Mamimiss ko ang...
- Ang mga inuman at chikahan sa Stir/Marina/Metrowalk/sa may Tolda
- Ang pagbibigay ng saya (at pagkain) ng mga nasa pantry, madalas ang mga taga-AI.
- Ang pagkauhaw bigla ng mga (ibig sabihin more than 5) boys at paglapit sa may pantry kapag may magandang applicant na naghihintay sa may harapan ng pwesto namin.
- Ang CS after work! Husky Boy, Gangbang Theory, Yin, Yang, Bile, Reypin..
- Ang mga pagyoyosi break kahit hindi naman nagyoyosi.
- Ang di mabilang na Dev breakfasts sa McDo El Pueblo.
- Ang pag-hug ni Alex sa akin pati bago siya magpunta ng CR. (hmmm..now that I think about it parang weird.)
- Ang mga pagtawag sakin ng napakaraming pangalan - Charot, Nicole, Neggy (yeah pati toh), Ging-ging, Nay, Mami, Inay, Classmate, Binga at kung ano-ano pa.
- Ang mga pictures (ko. charot) sa Baul at ang Baul mismo.pati segundo, primo arggh lahat ng servers.
- Ang pag-gu-good morning at hi TL ni Romeo na walang katulad
- Ang pag-iiwan ni Ekai ng sorpresang pagkain sa aking desk. Sweet.
- Ang pagtatanong nila kung may tao sa conference room.
- Ang mga multo at nakita-ko-si-mystica stories (magka-level daw oh).
- Ang pagtetext ni Ate Lanie pag may sweldo na.
- Ang pagde-dedicate sakin ng mga nakakalokang songs ng mga semi-internal friends at Dev
- Ang paglapit bigla ng iba't ibang kaibigan para lang mangulit sa pwesto ko at magpagising (Yeah that's you Cenon, Ego, Gelo, Ate Jazz, Perry, Baldo, Apple I, Alex, okei marami)
- Ang paamo/lambing look ni Ego na minsan umeepekto.
- Ang pagba-badminton, pagpapawis tapos chikahan.
- Ang pagsisimula ng mga company outings sa Pansol with Dev (na ako lang ang babae).
- Ang pagpasok ko na baliktad damit ko. (At least twice)
- Ang mga simple but sweet notes na biglang sumusulpot sa desk ko. :D
- Ang Google Aliza day.
- Ang mga halloween/Christmas parties basagan at monthly awards kalokohan
- Ang mga ka-loveteam, sangkaterbang loveteams. (na may theme songs pa ata)
- Ang pagpunta sa Bohol at Quezon na di ko makakalimutan.
- Ang pagkain sa Buddy's bulalo, lucban at syempre ang favorites ko - fried porkchop, chami at cassava (yum yum).
- Ang pagpapatawa sakin ni Baldo pag hindi maganda ang mood ko. Sweet din!
- Ang pagpapadala ng mga Developers ng picture ni ano.. o natutulog na empleyado at pagbati ng "smile ka naman" kapag busangot ako. Salamat guys.
- Ang mga minahal at nagmahal (uy).
- Ang pagpunta sa nightshift area para sa binibigay nilang pagkain at mga kulitan.
- Pagkakaroon ng humigit-kumulang 30 YM windows a day (oi, 90% doon work noh!) lalo na sa umaga kung saan hindi ako masyado makausap dahil sa mga requests.
- Pagtatanong nila kung pwede na ako kausapin dahil naka-ipod pa ako o dahil sa sobrang seryoso ng mukha ko (lalo na pag umaga o may bug ang YODA :P )
- Ang hindi ko makakalimutang biglang sunud-sunod na pagkanta ng happy birthday ng mga designers paglabas nila ng conference room (2007)
- Ang pagpasok ko sa TDP na ako lang ang Developer na babae..(at sinabihan pa ako ng isang dev na ako ang unang babaeng Developer sa buhay niya. hahah!)
- Ang mga naging TDP barkada - Lunchies, Semi-internal at mga umampon at nakasama sa mga lakaran at kainan - Team No Unity at AI!
- Ang mga first time ko na nangyari with TDP friends:
- maranasan mag-bonfire sa beach sa Calatagan
- makasakay sa airplane papuntang Bohol
- surprise birthday party sa McDo (salamat Eky at iba pa!)
- birthday party sa elbow room. saya!
- office pictorials!
- NBA finals bet (i won) at fantasy basketball na 2nd place ako!
- dampa (at iba pang food trips!)
- jumpshots pati sa Metrowalk (at ung isang kinadapa ko :P ) haha!
- Ang pagkakaroon ng mga Ate sa office especially Ate Jazz (I love!)
- OO mamimiss ko pa rin ang YODA.
Haay mahaba pa ang listahan pero kailangan kong tapusin ang exit interview.
:P
Trabaho lang ang iiwanan, hindi ang mga pagkakaibigan.
Salamat sa mga naki-charot for 3 years! :D